--Ads--

CAUAYAN CITY – Pormal na nanumpa ang mga bagong halal na Board of Director President ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ISELCO 2 Board of Director President Sherwin Balloga sinabi niya na makakaasa ang mga consumer sa mas magandang pagseserbisyo ng kooperatiba.

Aniya, patuloyparing isusulong ng mga Board of Directors ng ISELCO 2 kasama ang management nito na mapababa pa ang singil sakuryente.

Bilang baong Board of Director President ay pagtutuunan nila ng pansin ang presyo o power rate sa per kilowatt ng konsumo ng kuryente bilang paghahanda sa paparating na summer season.

--Ads--

Nagtalaga rin sila ng Annual General Assembly na gaganapin sa Tumauini Isabela kung saan tatalakayin ang mga magagandang hangarin ng kooperatiba.

Kabilang sa inaasahang matatalakay ay ang solusyon sa mga nararanasang power outage na madalas ay hindi naman sinadya o ginawa mismo ng ISELCO 2.

Paglilinaw nito na ang mga biglang insidente ay madalas na sanhi ng ilang problema sa mga kable ng kuryente ng NGCP.

Umaasa naman siya sa patuloy siyang susuportahan ng mga ISELCO 2-member consumer sa pagsasakatuparan sa adhikain ng ISELCO 2.