
CAUAYAN CITY– Nababahala at naghahanda na ngayon ang mga kalapit na bansa ng Russia maging ang mga Scandanavian countries dahil sa banta ng biochemical attack sa Ukraine.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Atty. Girlie Gonito sinabi niya na kamakailan ng matagpuan ang laboratoryong suspetsang gumawa ng biochemical weapon sa Ukraine.
Una nang pinaratangan ng Russia ang US na siya umanong nasalikod ng paglikha ng naturang lethal weapon subalit, Batay sa pagsisiyasat na ginawa ng United Nations natukoy na ang laboratoriyo ay pag-aari mismo ng Russia.
Nag babala na rin sa publiko ni UK Prime Minister Boris Johnson na maghanda dahil sa inaasahang pagpapasabog ng Russia ng biochemical weapon.
una na rin umanong nag babala si Putin sa Western Countires na kung magpapatuloy ang mabibigat na sanctions ay maglalabs na ang Russia ng biochemical at nuclear weapon.
Matatandaan na una nang nagkaroon ng peace talk sa pagitan ng dalawang bansa subalit nanatiling agresibo ang Ukraine na labanan Sang mga Russian Forces na patuloy namang ina-ayudahan ng US at UK sa mga armas ,bala at food supply.
Marami na ring mga pilipino sa UK ang nag nanais na ring makauwi sa Pilipinas dahil sa maraming industriya na ang naapektuhan maging ang food supply at delivery ng iba pang goods idagdag pa ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Sa ngayon katumbas na ng dalawang daang piso ang kada litro ng gasolina sa UK na resulta ng ginawang pagpapatigil ng supply na nag mumula sa Russia dahil 30% to 40% ng supply ng gasolina sa UK ay galing sa naturang bansa.










