--Ads--

CAUAYAN CITY- kailangang linawin na kung matutuloy o maipagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataanelection sa May 14, 2018.

Ito ay para makapaghanda ang mga mamamayan na nais tumakbo sa halalan maging ang mga opisyal ng barangay na muling magpapahalal.

Sa naging panayam ng Bombo radyo cauayan, sinabi ni Liga ng mga Barangay Federation President Roher Ballad na wala silang magagawa kung nais ng pangulo at ng kongreso na ipagpaliban sa ikatlong pagkakataon ang Barangay at SK election.

Tugon niya ito sa pagpasa sa House Committee on Suffrage and electoral reforms ang nakatakdang halalan sa mayo.

--Ads--

Sa pakikipagpulong niya sa mga barangay kapitan ay hati ang reaction.

Mayroong nais na matuloy na ang halalan para magkaroon sila ng bagong mandate dahil iba lang kung may mandato.

Ayon kay Kapitan Ballad, ang mga last termer naman ay katig na ipagpaliban ang halalan at sinabing hayaan lang nila kung ano ang pasya ng kongreso.

Sinabi pa ni LMB Federation President Ballad na may positibo at negatibong impact ang pagpapaliban ng halalan depende sa isang opisyal ng barangay.

Nadidismaya ang ilan lalo na ang mga gustong magpahalal na opisyal ng barangay ay nawawalan na ng gana.