CAUAYAN CITY – Nadagdagan pa ang mga lugar na apektado ng African Swine Fever o ASF dito sa Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Veterinary Officer Dr. Belina Barboza, sinabi niya na umakyat pa sa sampu ang mga barangay na apektado na ng ASF sa Bayan ng Angadanan.
Ilan ngayon sa hinihinalang dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang mga naapektuhan ng ASF sa Angadanan ay dahil sa posibleng hindi napapansin na nakapagpasok sila ng nakatay na baboy na infected ng naturang sakit at nadala sa ibang barangay.
Lumalakas ang hinala dahil wala nang ibang point of entry at exit sa Bayan ng Angadanan lalo at may mga nakalatag na ring ASF check points sa lugar.
Sa ngayon ay nasa 11 heads ang culled sa Barangay Lourdez, 9 sa Victory , 8 sa Ingud Sur, 6 sa Minanga Proper at 7 sa Fugaru.
Ipinagpasalamat naman nila na walang naging pagtutol mula sa mga hograisers sa ginawang culling dahil maayos na nilang naipaliwanag ang naturang sakit sa baboy.