--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang tsuper ng tricycle matapos masamsaman ng mga baril at bala sa pagsisilbi ng search warrant ng mga otoridad kaninang alas singko ng madaling araw.

Ang inaresto ay si Marlon Alicum, 41 anyos at residente ng Carabbatan Chica, Cauayan City.

Ang search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Raymundo Aumentado ng Cauayan City regional Trial Court (RTC) ay isinilbi ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station at Provincial Intelligence Unit ng isabela Police Provincial Office (IPPO)

Nasamsam kay Alicum ang isang improvised caliber 22 rifle na may 17 na bala; 19 na bala ng Caliber 45, isang sling bag na may 3 magazine ng  caliber 45.

--Ads--

Ang isang magazine ay may laman na 7 na bala habang ang isa pa ay may 5 na bala.

Inamin ni Alicum na naibenta na niya ang dating hawak na caliber 45.