CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang barangay kagawad na nasamsaman ng mga baril at bala sa loob ng kanyang bahay sa San Andres, Cabatuan, Isabela.
Ang mga baril at bala ay nasamsam sa pagsisilbi ng search warrant ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Santiago City sa bahay ni Barangay Kagawad Rodelio Mercado.
Nakumpiska ang Caliber 22 magnum black widow, Caliber 38 revolver Smith and Wesson, Caliber 22 homemade rifle, 47 piraso na bala ng Caliber 22 magnum, 2 piraso na bala ng Caliber 22, isang empty cartridge ng Caliber 22 magnum, 21 piraso na bala ng caliber 9mm pistol, 1 magazine at 10 bala ng Caliber 5.56 riffle, 2 magazine at 24 piraso na bala ng Carbine riffle, 4 piraso na bala ng Caliber 38 revolver, 1 empty box ng bala ng Caliber 22 magnum at 1 empty box at case ng 9mm.
Inihayag naman ni Regional Director PBGen. Christopher Birung na hindi titigil ang Police Regional Office 2 upang matuldukan na ang mga iligal na gawain sa ikalawang rehiyon.