Puspusan na ang paghahanda ng mga batang boksingero mula sa Region 2 na lalaban sa Palarong Pambansa.
Kung matatandaan, wala pang mga boksingero mula sa Region 2 ang nakakakuha ng medalya sa Palarong Pambansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ryan Nesperos, Assistant Head Coach ng Boxing Team ng Region 2 sinabi niya na simula kahapan, Ikaanim ng Hunyo ay nagsimula na ang in-house training ng kanilang mga manlalaro para sa pagsasanay at paghahanda sa kanilang pagsabak sa palarong pambansa.
Aniya may dalawamput limang araw lamang na gugugulin sa pag-eensayo ng sampung boksingero.
Dalawa ang mula sa Nueva Vizcaya, lima mula sa Cagayan habang ang tatlo ay mula na sa iba pang lugar sa ikalawang rehiyon.
Dobleng pag-iingat ngayon ng coaching staff sa kalusugan ng mga manlalaro upang hindi na maulit pa ang nangyari sa isa nilang delegado noong nakaraang taon na hindi nakalaban dahil nagkasakit ng dengue.
Umaasa ang boxing team na may makakapasok na delegado sa medal matches ng palarong pambansa lalo na ngayong may mga import silang ekspertong trainers na lilinang sa mga atletang sasabak.