--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumaba ang bilang ng mga batang malnourished sa lungsod ng Cauayan batay sa datos ng City Nutrition Office noong nakaraang taon hanggang kasalukuyan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Nutrition Officer Maria Juana Yadao, sinabi niya na mula sa dalawa hanggang tatlong bahagdan ng mga malnourished sa mga nakalipas na taon, bumaba ito sa 0.84%.

Kinabibilangan ito ng mga batang overweight at underweight sa buong lungsod.

Magandang balita aniya ito dahil naging matagumpay ang mga isinagawa nilang symposium at information campaign drive para sa kalusugan ng mga bata sa lungsod ng Cauayan.

--Ads--

Dahil dito ay tiniyak niya na mas lalo pa nilang paiigtingin ang mga programa para malabanan ang gutom at malnutrisyon maging ang pagtutok nila sa First 1,000 Days ng mga bata ngayong Nutrition Month.

Magkakaroon din sila ng “Pabasa para sa Nutrisyon” sa mga buntis, caregivers at lactating moms.

Inaasahan naman ang marami pang isasagawang programa ngayong nutrition month.