CAUAYAN CITY – Nadagdagan pa ang bilang ng mga bayang nakapagtala ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Belina Barbosa, Provincial Veterinary Officer ng Isabela, sinabi niya na naidagdag sa listahan ang bayan ng Cordon kaya labing apat na bayan na sa Isabela ang may kumpirmadong kaso ng ASF.
Unang nakapagtala ng kaso ang bayan ng Gamu, Angadanan, Alicia, Ramon, Roxas, Luna, Quirino, Aurora, Echague, Mallig, San Isidro, Burgos at Cabagan.
Aniya, positibo ang ipinadalang samples mula sa bayan ng Cordon kaya idinagdag na ang nasabing bayan sa 13 bayan na apektado ng ASF.
Tinig ni Dr. Belina Barbosa.
Samantala inihayag ng Provincial Veterinary Office na wala pa silang nakukuhang report mula sa Cauayan City tungkol sa mga naitalang pagkamatay ng mga baboy na hinihinalang dahil sa ASF.
Ayon kay Dr. Barbosa, walang inireport ang Cauayan City Veterinary Office at wala ring blood samples na isinusumite sa kanilang laboratoryo.
Una nang napaulat ang pagkamatay ng mga baboy sa iba’t ibang barangay sa Cauayan City sa mga nagdaang araw at hinihinalang ASF ang dahilan ng mga ito.
Tinig ni Dr. Belina Barbosa.