Kinumpirma ng pamahalaan ng Israel na nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang huling 20 bihag na hawak ng militanteng grupong Hamas.
Ang mga nasabing bihag ay umano’y binihag ng Hamas sa loob ng mahigit dalawang taon.
Ginawa ang opisyal na anunsyo habang nasa Israel si US President Donald Trump, na siyang nagsulong ng kasunduan para sa tigil-putukan o ceasefire sa pagitan ng Hamas at Israel.
Nakatanggap si Trump ng standing ovation mula sa mga mambabatas ng Israel bilang pagkilala sa kanyang papel sa matagumpay na ceasefire agreement.
Samantala, nagtipon-tipon ang mga mamamayan sa Tel Aviv upang ipakita ang kanilang suporta at makiisa sa mga pamilya ng mga dating bihag. Napuno ng emosyon ang pagtitipon dahil sa muling pagkakasama ng mga pamilyang matagal nang nagkahiwalay.
Ayon sa kasunduan sa tigil-putukan, papalayain din ng Israel ang tinatayang 2,000 Palestinian prisoners.
Sa Ramallah City, Palestine, nagtipon naman ang maraming tao upang salubungin ang unang bus na may sakay na mga pinalayang preso.
Kabilang sa mga palalayain ay 250 security detainees na sinasabing sangkot sa mga pag-atake sa mga Israeli, at 1,700 pang iba na nakakulong simula pa noong kasagsagan ng digmaan sa Gaza.











