--Ads--

Nangunguna pa rin ang mga business establishment sa mga delikwenteng konsesyuners na hindi nakakapagbayad sa tamang oras ng tubig, batay sa talaan ng Cauayan City Water District.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Manolito Supnet, Depqrtment Manager, sinabi niya na 52 percent lamang ang collection deficiency at nangangahulugan itong 48 percent ang hindi nakakapagbayad sa takdang bayaran.

Sa nasabing datos, mas marami aniya ang mga business owners na delikwenteng konsesyuners.

Sa pagtaya ng ahensya, ang dahilan kung bakit hindi nakakapag bayad on time ang mga business establishments ay dahil wala silang oras para magbayad kaya iniipon na lamang nila ang kanilang bill saka nila  ito minsanang babayaran.

--Ads--

Isa pa umanong rason ay ang mababang water rate, bagaman tumaas ito ng 24.75 pesos ay hindi naman umano ito ramdam ng mga konsesyuners dahil 15 pesos lamang ang ipinapataw na penalty.

Hindi rin umano nangangamba ang mga nagmamay-ari ng business establishment na baka sila ay maputulan ng tubig dahil kung alam na nilang malapit na ang pagpuputol ng linya ay saka lamang sila humahabol sa pagbabayad.

Dagdag pa ni Engr. Supnet dahil sa baba ng collection deficiency at maraming hindi nakakapagbayad on time ay hindi masimulan ang pagbibigay ng tustos sa ilang barangay tulad na lamang ng Barangay San Fermin at Minante 2.