--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng PAGASA-DOST at mga City at Municipal Agriculturist sa Isabela ang magiging epekto ng posibleng pagtama ng El Niño phenomenon sa unang bahagi ng 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Meteorologist Ramil Tuppil ng PAGASA-DOST sa Echague, Isabela, sinabi niya na tinalakay nila sa kanilang buwanang meeting ang paghahanda sa dry spell na tinayang tatama sa papasok na taon.

Ang El Niño ay isang abnormal na kondisyon ng panahon dulot ng global warming.

Kung magtatagal aniya ang El Niño ay magdudulot ito ng malaking pinsala sa mga pananim na mais. Ang Isabela ang number 1 producer ng mais sa bansa habang ikalawang pinakamalaking producer ng palay.

--Ads--

Inihayag pa ni Ginoong Tuppil na naranasan noong 1997, 1998, 2009 at 2010 ang El Niño sa Isabela at labis na bumaba ang level ng tubig sa Magat Dam sa Ramon, Isabela.

Pinayuhan niya ang mga magsasaka na paghandaan na ang pagtama ng El Niño sa Northern Luzon.