CAUAYAN – Ikinatuwa ng mga magsasakang nagtatanim ng mga commercial crops ang ulan na dulot ng bagyong Jolina sa Isabela.
Ayon sa mga magsasaka malaking tulong ang ulan sa kanilang mga pananim na mga gulay tulad ng mga talong, ampalaya, kalabasa, okra, sili, kamatis, sitaw , pechay at iba pa.
Kabuoang 2,398 hestares ang natamnan ng value commercial crops sa Isabela
Ang 593 hectares na natamnan ng talong ay nasa maturity at flowering stage kaya biyaya ang dulot na ulan.
Habang sa roat crops tulad ng kamote ay nasa maturing stage maging ang pananim na pinya.
Umaabot sa 18,352 na ektarya ang natamnan ng mga permanent crops tulad ng mga saging , mangga at citrus.
Sa mga nakalipas na araw ay madalang ang pag-ulan sa Isabela at naging mainit ang lagay ng panahon kaya laking pasasalamat ng mga magsasaka dahil ulan lamang ang dala ng bagyong Jolina at walang malakas na hangin na nakabuti sa mga nasabing pananim.




