CAUAYAN CITY- Umaangal na ang mga consumer sa pagtaas ng presyo ng mga softdrinks sa Echague, Isabela.
Maging ang ilang softdrinks dealer ay nagrereklamo na rin dahil sa sobrang itinaas sa presyo ng kanilang mga paninda.
Sa panayam ng Bombo radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Alvin Sabaluca, isang softdrinks dealer , dati ay umaabot sa P/124.00 sa isang kahon ng 12 ounces na softdrinks ngayon ay umaabot na sa P/189 kada isang kahon, nangangahulugan na P/10.00 na ang bawat bote na dati ay P/8.00.
Sa isang litro ng sofdrinks na dati ang presyo ng bawat kahon ay P/224.00 s ngayon ay umaabot na sa P/346.00 kada kahon.
Nangangahulugan na umaabot na sa p35.00 ang kada bote ng isang litro
Inihayag pa ng nasabing dealer ng softdrinks na maraming mga consumer ang umaangal sa itinaas ng presyo ng mga softdrinks subalit wala silang magagawa kundi sumunod na lamang sa presyo ng mga kompanya ng softdrinks.




