Maliban sa isinagawang economic forum ay bumisita rin ang mga ambassadors sa mga Agri-Tourism Booths sa Bambanti Festival 2025.
Bumisita ang mga Diplomat at Ambassadors sa lalawigan ng Isabela kasabay ng pagdiriwang ng Bambanti Festival 2025.
Masaya naman ang mga ambassadors sa mga magagandang booths at sinubukan din nila ang mga pagkaing ipinagmamalaki ng bawat bayan sa lalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Her Excellency Raduta Dana Matache, Ambassador of Romania to the Philippines, sinabi niya na pagbaba pa lamang nila sa eroplano ay sinalubong na sila ng mainit na pagtanggap ng mga Isabelino.
Agad naman silang sumubok ng mga pagkaing Pinoy tulad ng buko salad, lumpia at ang sikat na Pansit Cabagan.
Nagagalak naman niyang inihayag na maraming napag-usapan sa isinagawang forum patungkol sa mga investment at tourism opportunities na malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng lalawigan ng Isabela.