--Ads--

CAUAYAN CITY – Ikinukunsidera ng Department of Health (DOH) region 2 na gamiting isolation facility ang mga District Hospital sa Lambak ng Cagayan para sa mga asymptomatic na COVID-19 patient.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Rio Magpantay ng DOH region 2, sinabi niya na ipinapanukala nila ngayon ang mga district at provincial hospital sa rehiyon na gamiting isolation facility dahil mas handa ang mga ito.

Aniya, may mga doktor at nurses na sa  naturang mga pagamutan at tutulungan na lamang sila kung kailangan.

Gayunman, kung hindi  nila kaya ay hindi sila pipilitin.

--Ads--

Sinabi pa ni Dr. Magpantay na mayroon silang monitoring at evaluation team katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para tingnan kung nasusunod ng mga  isolation at quarantine facility ang mga pamantayan ng Inter Agency Task Force (IATF).

Dapat  ay may mga kagamitan sa itatalagang lugar para kung magkaroon ng sintomas ang mga pasyente ay agad madala sa level 3 na ospital  sa rehiyon dos.

Ang pahayag ni Regional Director Rio Magpantay