--Ads--

Ligtas umano ang lahat ng dokumento ng Senado, kabilang ang mga dokumento ng Blue Ribbon Committee, matapos sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali nitong Linggo, Nobyembre 30, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Ayon kay Sotto, nagsimula ang apoy sa tanggapan ng Legislative Technical Affairs Bureau na naiulat bandang 6:30 ng umaga.

Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) at idineklara ang sunog na under control bandang 7:43 ng umaga.

“Authorities are currently determining the cause of the fire and assessing the extent of the damage. Water used in suppression efforts caused leakage into the Session Hall from the affected floor,” ani Sotto sa isang pahayag.

--Ads--

Magpapatuloy naman aniya ang maintenance team ng Senado sa pagkukumpuni ng Session Hall upang maihanda ito para sa sesyon sa Lunes, Disyembre 1.