--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinalabas ang lahat ng mga kawani ng provincial government ng Isabela bilang precautionary measure sa mga umanoy rallyista dahil sa paggunita ng martial law declaration kaninang Hapon sa Ilagan City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station na ito ay bilang paghahanda pa rin sa paggunita ng martial law declaration.

Ito ay dahil nakatanggap ng impormasyon ang Ilagan City Police Station na mayroong magsasagawa ng kilos protesta.

Matapos matiyak ng mga pulis na wala nang naiwang kawani sa loob ng panlalawigan kapitolyo ay hindi na sila pinabalik sa kanilang mga tanggapan at pinauwi na sila ng maaga

--Ads--

Sa ngayon ay nagbibigay ng seguridad ang mga kasapi ng Ilagan City Police Station sa panlalawigang kapitolyo ng Isabela sakaling biglang sumugod ang mga rallyista.