--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 10% hanggang 20% ang naapektuhan ng pandemya na mga establisyimento at manggagawa sa lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Chester Trinidad, tagapagsalita ng DOLE Region 2, sinabi niya na mula ng mag-umpisa ang pandemya hanggang sa buwan ng Mayo ay tumaas ang bilang ng mga establisyimento at mga manggagawa na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Batay sa kanilang talaan, nasa 280 na bahay kalakal ang nagpapatupad na ng flexible working scheme at 6,800 workers ang apektado.

Nasa 674 naman ang pansamantalang nagsara at 10,665 ang pansamantalang nawalan ng trabaho.

--Ads--

Nasa 414 na manggagawa naman ang naapektuhan ng retrenchment habang 1,463 ang permanenteng nawalan ng trabaho.

Kinabibilangan ito ng sector ng construction, accomodation on food services, manufacturing, mining and quarrying, retail trade, agriculture forestry, fishing, transportation, financial insurance activities, entrepreneur and recreation.

Umaasa ang DOLE Region 2 na hindi na madadagdagan pa ang bilang ng mga establisyimentong magsasara at manggagawang mawawalan ng trabaho.

Bilang tugon ay namahagi ang DOLE ng mga starter kits sa mga manggagawang pasok sa kanilang mga programa upang matulungan na kumita.

Ayon kay Ginoong Trinidad, nagkaroon na sila ng labor market information at registry of available worker sa mga local na pamahalaan upang matulungan ang mga nawalan ng trabaho.

Tinitignan ng DOLE kung angkop ang qualifications sa mga bakanteng posisyon sa mga LGU ang mga manggagawang nawalan ng trabaho sa tulong na rin ng mga Public Employment Service Offices (PESO).

Tinig ni Ginoong Chester Trinidad.