--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang isinasagawang assessment ng Department of Education o Deped sa mga paaralang nasira sa pananalasa ng bagyong Julian sa Batanes.

Sa inisyal na datos, umabot na sa mahigit P68 milyon ang halaga ng pinsala sa mga paaralan sa batanes matapos ang pananalasa ng bagyong Julian.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Alfredo Gumaru Jr., School’s Division Superintendent ng SDO Batanes, sinabi niya na batay sa assessment ng kanilang School DRRM, nasa P68,787,000 ang estimated na halaga ng pinsala sa mga classrooms at iba pang gamit ng mga paaralan sa Batanes.

Nagsasagawa pa naman ng validation ang DPWH upang matukoy ang total cost ng damages kaya posibleng mas mataas pa sa kanilang estimation.

--Ads--

Hindi pa kasi kasali sa kanilang unang assessment ang mga electrical wirings at learning materials sa mga classrooms na kasama sa nasira.

Karamihan sa mga maraming nasirang classrooms ay mula sa Batan at Sabtang.

Inaalam pa naman nila ang kabuuang pinsala sa mga paaralan sa Uyugan, Ivana at Basco.

Sa Uyugan, ay nasa pitong classrooms ang hindi pa pwedeng gamitin dahil nilipad ng hangin ang mga bubong.

Naisumite na ang kanilang assessment sa PDRRM Office at umaasa silang mapabilis ang pagrerelease ng quick response fund ng DPWH upang mabilis ding maisaayos ang mga nasirang classrooms.

Dahil hindi agad na maisasaayos ang ilang classrooms ay pansamantala muna silang gagamit ng modular learning habang ang iba naman ay maari nang magsimula sa face to face sa araw ng Lunes.

Tatagal lang naman umano sa tatlo hanggang apat na araw ang distance learning ng mga mag-aaral at maari rin nilang isagawa ang shifting sa umaga at hapon sa face-to-face classes.

Patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral na nasiraan ng bahay na bibigyan muna nila ng modules at hindi muna papapasukin kung kinakailangan.

Maging ang mga guro ay kanila ring inaalam kung apektado rin ang mga ito.

Aniya nasa 49 na teaching at non-teaching personnel na totally damaged ang mga bahay habang nasa 300 naman ang partially damaged

Ayon kay Dr. Gumaru kailangan ding matiyak na hindi nakaranas ng trauma ang mga ito sa pananalasa ng bagyo at kailangang isailalim sa psychological debriefing.