--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinag-uusapan na ng mga residente sa Forest Region ang mga posibleng epekto ng pansamantalang pagsasara ng Alicaocao Overflow bridge na magsisimula sa August 19, ngayong taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sherwin Labayug, isa sa mga namamasada sa lugar, sinabi niya na ang pinakamaaapektuhan ay ang mga estudyante dahil posible ring magtaas ang pamasahe.

Iikot na kasi aniya sa Naguillian ang mga motorista na mas malayo at mas makonsumo sa gasolina.

Mula sa dating 40 minutes na byahe ay magiging isang oras at kalahati umano ang gugugulin sa pag-ikot sa Naguilian kaya kailangan ng mga estudyante na umalis sa kanilang barangay ng alas singko ng umaga para hindi mahuli sa kanilang klase.

--Ads--

Maging ang mga negosyanteng nagtutungo sa Palengke ay maaapektuhan din umano.

Paliwanag naman sa kanila na ang pansamantalang pagsasara ng nasabing tulay ay aabutin hanggang dalawang linggo at malaking adjustment aniya ito para sa mga residente ng forest region.

Posible rin naman umanong maglagay ng pansamantalang daanan ang lokal na pamahalaan sa Alicaocao overflow bridge na pwedeng lakarin ng mga estudyante dahil hindi naman umano pwede ang motor na bangka dahil mababa ang lebel ng tubig.