--Ads--

CAUAYAN CITY – Masayang-masaya ang mga fans sa Serbia sa pagkakapasok sa finals ng FIBA World Cup ng team Serbia matapos talunin ang Canada sa semi finals sa score na 95-86.

Sinabi ni Bombo International News Correspondent Bianca Rei na marami ang fans ng basketball sa Serbia at ibang klase ang pagsuporta nila kapag sila ay nanonood.

Mataas din ang paniniwala nila na mananalo ang Serbia dahil iba ang kanilang training.

Sa ngayon ay nakaabang na sila sa finals na gaganapin mamayang gabi.

--Ads--

Aniya, may inihandang public viewing ang Belgrade, Serbia para doon manood ang lahat ng fans ng basketball.

Tiyak din na magkakaroon ng public viewing ang mga bars at hotels.

Ayon kay Rei, siguradong magiging tahimik ang Serbia sa panonood ng finals.

Sigurado naman siyang may street party na isasagawa kapag nanalo ang Serbia sa finals.

Maging silang mga Pinoy sa naturang bansa ay tumututok din sa FIBA World Cup.

Tinig ni Bombo International News Correspondent Bianca Rei.