CAUAYAN CITY – Nangangamba ang mga may-ari ng mga palaisdaan na malugi dahil sa paunti-unting namamatay na alagang isda dahil sa matinding sikat ng araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Jerry Calacien ng Brgy. Dabburab, Cauayan City sinabi niya na noong buwan ng Abril ay nagsimula nang maglutangan ang kanyang mga alagang tilapia sa Brgy San Francisco, Cauayan City.
Noong 2017 anya sa kaparehong panahon ay halos 30 kilo ang namamatay na tilapia sa loob lamang ng isang araw.
Anya kapag mainit ang panahon ay bumababa ang tubig dahil sa kawalan ng ulan kung kaya’t kahit wala pa sa tamang panahon ay napipilitan silang magbenta sa mas mababang presyo upang maiwasan lamang ang pagkalugi sa kanyang negosyo.
Apektado rin ang magat dam na nagtutustos ng tubig sa maraming palaisdaan dahil kahapon umabot ang water level nito sa 186.18 meters.




