--Ads--
CAUAYAN CITY- Halos wala ng tulog ang mga florist sa Cauayan City dahil sa paghahanda para ngayong Valentines Day.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Revy Manipon, Flower Shop Owner, sinabi niya na magdamag na nakabukas ang kanilang shop dahil sa dami ng mga reservations.
Pinakamabili aniya ang iba’t ibang uri ng roses gaya ng China Roses, Equadorian roses na sumisimbolo sa pag-ibig.
Nagkakahalaga ng 100 pesos ang pinaka-murang bulaklak depende sa budget ng mga mamimili.
--Ads--
Noong nakaraang valentines ay sold out ang kanilang mga panindang bulaklak kaya umaasa sila na mauubos nila ngayong araw ang kanilang paninda.