--Ads--

Dumarami ang bilang ng mga foreign nationals na nagtutungo sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng Bombo Raduo Cauayan kay Ginoong Laurente Tumaliuan, Alien Control Officer ng Bureau of Immigration sa Lungsod ng Cauayan, na simula buwan ng Enero ay umabot na sa higit 90 foreign nationals na mula sa bansang India, America, at China ang naitala sa lungsod.

Mas marami ito kumpara noong nakaraang taon na nakapagtala lamang ng mahigit 80 na foreign nationals.

Bukod sa mga permanente nang naninirahan sa lungsod, mayroon din aniyang naitatalang sampong (10) turista kada buwan na bumibisita dito sa Cauayan City, Banaue, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, at Isabela.

--Ads--

Sa kabila ng pagdami ng mga Foreign Nationals ay wala aniyang naitatalang problema sa kanilang pamamalagi dito sa Pilipinas.

Ayon pa kay Ginoong Tumaliuan, ang tanging naitatala lamang ng kanilang tanggapan ay ang mga nakakalimutang magextend ng visa.