--Ads--

CAUAYAN CITY – Mga galang hayup ang itinuturong dahilan ng dalawang aksidenteng naganap na ikinamatay ng tsuper ng motorsiklo habang binabagtas ang pambansang lansangan sa barangay Alinam, Cauayan City.

Namatay si Jomar Del Rosario, 21 anyos, isang security guard na residente ng Guibang, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, sakay ang biktima ng motorsiklo nang biglang tumawid ang isang aso sa gitna ng daan sanhi para matumba.

Kaagad dinala sa pagamutan ang biktima ngunit dahil sa tinamong malalang sugat ay dead on arrival sa ospital.

--Ads--

Samantala isa pang aksidente ang naitala ng himpilan ng pulisya dahil din sa galang aso.

Ang biktimang si Emerito Gammad,51 anyos, may-asawa at residente ng District 3, Cauayan City ay binabagtas sakay ng motorsiklo ang pambansang lansangan sa barangay Minante Dos, Cauayan City nang biglang may tumawid na aso.

Sanhi nito ay bumangga si Gammad sa barikada ng ginagawang daan.

Nagtamo naman si Gammad ng galos sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.