--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi na papayagang makapasok sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal o NVAT ang mga ibinebentang gulay na may mataas na pesticide residue.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 sinabi niya na sa pagbisita ni Kalihim William Dar ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA ay nasabi niya ang mass labelling sa mga bentang gulay upang matiyak na pesticide residue safe ang mga ito at bilang pagsuporta sa Food Safety Act.

Ayon kay Regional Executive Director Edillo kailangan itong maipalaganap upang maregulate ang paggamit ng mga pestisidyo na nakakasama sa katawan ng tao.

Una nang nagpasa ng ordinansa ang pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya tungkol sa tamang paggamit ng pestisidyo sa mga nagtatanim ng gulay sa lalawigan.

--Ads--

Ang sobrang paggamit ng mga pestisidyo at iba pang gamot na iniispray sa mga gulay ay nakakasama sa katawan ng tao lalo na sa mga kosyumer na wala nang pakialam sa kung paano ito naalagaan basta lamang may maihain sa hapagkainan.

Pinaalalahan ng kagawaran ang mga vegetable producers sa rehiyon na huwag nang gumamit ng sobrang gamot sa mga tanim na gulay upang mapanatili lamang ang magandang paglago ng mga ito.

Dahil dito ay naghigpit na ang NVAT sa mga pumapasok na bentang gulay at mahigpit nang binabantayan ang mga may mataas na pesticide residue upang hindi na mailabas pa at mabili ng konsyumer dahil sa nakakasama sa kalusugan.

Nagtapos na rin ang mahigit 700 na mga maggugulay mula sa pitong bayan sa Nueva Vizcaya na sumailalim sa training para sa tamang paggamit ng mga pestisidyo sa mga gulayan.

Binigyan ng DA ang mga vegetable growers ng libreng rapid  test kit na pangmonitor sa pesticide residue ng kanilang gulayan at maiwasang hindi ito maibenta sa merkado.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2.