--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pa humihingi ng repatriation ang mga professionals pangunahin na ng mga guro na nagtatrabaho sa isang unibersidad sa Ehtiopia.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Eng’r. Romano Gabrillo, Professor ng Arba Minch University, Ethiopia, sinabi niya na mahigit 100 ang bilang ng COVID 19 sa nasabing bansa at 3 ang nasawi.

Ito ay dahil mas pinaigting nila ang mga ipinapatupad na panuntunan at precautionary measures kontra COVID 19.

--Ads--

Sinabi ni Eng’r. Gabrillo na sa ngayon ay wala silang trabaho makaraang magbaba ng kautusan ang Ministry of Education na pauwiin na sa kanilang mga tahanan ang mga estudyanteng pansamantalang naninirahan sa mga dormitoryo ng unibersidad.

Pinayuhan na rin silang makipag-ugnayan sa Embahada ng pilipinas sa Cairo, Egypt kung saan nag email na sila ng kanilang mga contact information sakaling magkaroon ng repatriation.

May chat room silang mga pinoy na nasa Arba Minch University upang magbalitaan sa mga kaganapan sa unibersidad na pinagtatrabahuan at sa kung ano ang nagagapa sa nasabing bansa..

Sa ngayon ay kontrolado ang mga naitatalang kaso ng COVID 19 mula ng magpatupad ang Ethiopia ng travel ban noong March 17, 2020 kasabay ng pagdedeklara ng State of Emergency at lockdown sa ilang probinsiya .

Tinig ni Eng’r. Romano Gabrillo, Professor ng Arba Minch University, Ethiopia

Ayon kay Eng’r. Gabrillo bilang tugon ng pamahalaan ay minabuting ilipat ang kanilang pamilihan sa Addis Abba sa mas maluwang na espasyo upang mapigilan ang pagsisiksikan ng mga tao at maiwasan ang paglaganap ng Virus.