--Ads--

CAUAYAN CITY – Naranasan ang mga pag-uga ng mga matataas na gusali sa Hongkong sa pananalasa ng bagyong Mangkhut o ang bagyong Ompong na galing dito sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kay Bb. Maridel Quesada, tubong Cabatuan, Isabela at isang overseas Filipino worker kanyang ikinuwento na sobra ang kanilang pagkatakot habang nananalasa at nagkakaroon ng malakas na hangin dahil umuuga ang mga matataas na gusali sa Hongkong pangunahin na sa mga malapit sa dagat.

Sinabi pa niya na nagkaroon din ng pagbaha at mataas na storm surge sa nasabing lugar.

Halos nabasag din ang mga salamin na mga bintana at nagliliparan ang kanilang mga kagamitan.

--Ads--

Sinabi pa ni Bb. Quesada na batay sa kanyang monitoring ay mayroong mga OFW ang umanoy nabagsakan ng puno subalit hindi niya matiyak kung saang lugar sa Hongkong dahil nakita lamang niya sa post sa facebook.

Tiniyak naman ni Bb. Quesada na ligtas naman ang karamihang mga OFW sa hongkong matapos manalasa ang bangyong mangkhut o ang bagyong Ompong na galing dito sa Pilipinas.