--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbabahay-bahay na ang mga health workers sa China para suriin ang temperatura ng mga mamamayan upang matiyak na walang sintomas ng 2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Diana Rose Guillermo Dai, nakatira sa Sichuan Province sa China, sinabi niya na nakakatulong ang testing kit na ginagamit sa buong China upang agad na malaman kung positibo o negatibo ang isang suspected nCoV patient.

Gamit ang testing kit, lalabas ang resulta nito sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras lamang.

Ayon pa kay Dai, hindi naman sila pinagbabawalang lumabas ng bahay basta nakasuot ng gloves at face mask.

--Ads--

Mayroon ding iisang website na maaring pasukin ng mga Chinese para makakuha ng impormasyon kaugnay sa pagkalat ng 2019- nCoV.