--Ads--

CAUAYAN CITY– Mga matataas na kalibre ng baril, IED, detonating cord, bandolier, medical paraphernalia, magazine, pagkain at Communist Terrorist Group (CTG) Flag ang narekober ng 17th Infantry Battallion matapos ang naganap na sagupaan kahapon sa barangay Calassitan, Sto nino Cagayan.

Sa isinagawang pulong pambalitaan ay ipinahayag at ipinakita ni MGen. Laurence Mina, Commander ng 5ID at ni BGen. Steve Crispillo, Brigade Commander ng 501st Infantry Brigade sa publiko ang mga nakumpiskang gamit ng mga NPA matapos makasagupa ng mga sundalo sa Brgy. Calassitan, Sto. Niño, Cagayan na kinabibilangan ng ilang mataas na baril, pampasabog, medical kits at pagkain na pinaniniwalaang binaon at inabandona ng mga rebelde.

Ayon Kay MGen. Mina kabilang sa narecover ang 2 M60 light machine guns, 9 na ibat ibang uri ng rifle kabilang ang AK47 na may incomplete parts, tatlong incomplete parts ng baril, Isang barrel ng M60; Cal. 30 Carbine at Garand; 12 Gauge Homemade Shotgun; IED component, 30 detonating cords, 15 Bandoliers na may magazines, Medical paraphernalia, foodstuff at isang CTG flag.

Nasa 20 ibat ibang klase ng armas ang nakuha kung saan 13 ang serviceable habang pitu ang may mga nawawalang parte at hindi na mapapakinabangan.

--Ads--

Punatay anya ang paghina ng mga rebeldeng pangkay matapos maka-enkuwentro ng mga sundalo ang labing limang kasapi ng NPA kung saan siyam ang mula sa Western Command Group at anim ang tinatayang nagmula sa Eastern Command Group.

Wala namang casualty sa dalawampong kasapi ng Philippine Army na nakasagupa ng mga rebelde habang inaalam pa kung may casualty sa panig ng mga makakaliwang Grupo matapos makakita ng mga bakas ng dugo na pinaniniwalaang mula sa mga rebelde.

Naniniwala si Major General Mina na kakaunti na lamang Ang mga kasapi ng NPA Batay sa kanilang intelligence monitoring at naganap na sagupaan.

Ang pahayag ni Major General Laurence Mina