CAUAYAN CITY- Pormal ng ipinasakamay sa Cauayan City Component Police Station ang apat sa limang motorsiklo mula sa LGU Cauayan
Ang apat na mga BMW Motorcycle na nagkakahalaga ng nasa 300 hanggang 500 thousand pesos ang isa ay mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod.
Ayon kay PLtCol Ernesto Nebalasca Jr, hepe ng Cauayan Police Station, masaya sa siya bilang Ama ng himpilan dahil sa mga bagong kagamitan.
Aniya, malaking bagay ang mga highend na patrol motorcycle sa asset ng himpilan at para makatugon sa direktiba ng Chief PNP na mabilisang magresponde sa mga insidente.
Dagdag pa ng hepe, hindi ito donation kundi loan ng Cauayan sa hanay ng PNP
Ibig sabihin, lahat ng gagastusin sa gasolina, maintenance at iba pang kailangan ay sasagutin ng LGU
Bagay na ikinatuwa ng Ama ng PNP Cauayan dahil mas makakasiguro na matutukan ang pangangilangan ng mga motor.











