--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang Cauayan City Police Station sa mahigpit na pagmomonitor at pagpapatupad ng mga health protocols sa lunsod.

Matatandaang nagpalabas ang pamahalaang panlunsod ng bagong executive order na may  mga karagdagang panuntunang dapat ipatupad.

Dahil dito ay mas pinaigting ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang pagpapatupad sa mga panuntunan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, ang Public Information Officer ng Cauayan City Police Station sinabi niya na marami pa rin silang nahuhuling lumalabag sa panuntunan kahit pa napakatagal na nila itong ipinapatupad sa lunsod.

--Ads--

Karamihan sa mga nahuhuli ay hindi doble ang suot na facemask.

Pinapatawan nila ng parusang community service ang mga nahuhuling violators.

Mahigpit pa rin aniyang nakamonitor ang mga kasapi ng pulis sa mga border checkpoints sa lunsod upang matiyak na sumasailalim sa mandatory triage ang mga pumapasok na byahero.

Ang bahagi ng pahayag ni PLt. Scarlette Topinio.