--Ads--

CAUAYAN CITY – Kailangan munang malaman sa mga barangay kapitan sa Isabela ang mga hindi pa nabakunahan at ayaw magpabakuna sa kanilang barangay.

Tatanungin sa kanila kung bakit ayaw nilang magpabakuna  at maaaring pipilitin na magpabakuna

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Rodito Albano na kapag natukoy na ang mga ayaw magpabakuna sa barangay  ay saka gagawa ng action ang pamahalaang panlalawigan para hindi sila makalabas upang mapilitan silang magpabakuna.

Binanggit ni Gov. Albano na sa Panlalawigang Kapitolyo ay  posibleng magkaroon ng tanggalan kapag mayroon pa ring hindi nagpabakuna.

--Ads--

Gayunman halos lahat ay bakunado na at  nagpapaturok na sila  ng booster shot.

Binigyang-diin ni Gov. Albano na ang mga hindi pa nagpapabakuna ay hindi nakikisama sa mga hakbang para masugpo ang COVID-19.

Kung sila ay aniya ay nahawa at kapag naospital  walang gamot at mamatay ay sisisihin pa ang pamahalaan.

Bukod sa ipinalabas na Executive Order na hindi puwedeng pumasok sa public at private estabishment sa Isabela ang mga hindi pa bakunado ay unti-unti na ring ipatupad na  hindi puwedeng sumakay sa mga pampasaherong bus ang mga hindi pa nabakunahan.

Ang pahayag ni Govenor Rodito Albano