--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasailalim sa RT-PCR Testing ang mga non-residents na kasalukuyang nasa probinsya ng Isabela dahil sa kanilang mga trabaho.

Kabilang na rito ang mga contract workers, temporary o mga transient residents, mga taong dumating lang sa probinsya sa mga buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre.

Kasama na ang mga LSIs na hindi pa nakakaalis sa probinsya dahil sa lockdown.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, sinabi niya na nang ipatupad ang GCQ kahapon ay inatasan ang mga Municipal at City Mayors na dalhin ang mga non residents sa kanilang lugar sa Rural Health Unit o sa City Health Office upang isailalim sa RT PCR Testing.

--Ads--

Habang hinihintay aniya ang resulta ng kanilang test ay kailangang isailalim muna sa quarantine ang mga ito sa LGU Quarantine Facility.

Ayon kay Atty. Binag, mapapansin na sa local at community transmission ang maraming pinanggagalinan ng mga naitalang kaso sa probinsya kaya kailangan itong gawin ng pamahalaan upang makontrol na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa lugar.

Muli ring maglalagay ng mga border checkpoints ang mga otoridad sa mga bayan upang mamonitor ang paglabag sa mga guidelines o polisiya na nakapaloob sa executive order.

Ibabalik din ang Curfew hours mula alas-dyes ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw pati na ang liquor ban na epektibo mula alas dose kahapon ng tanghali nang ipalabas ang EO hanggang sa ikatatlumpu ng Disyembre.

Pinapayagan naman ang mga religious activities sa limampung bahagdang kapasidad upang malimitahan ang kumpulan ng tao.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Elizabeth Binag, ang Information Officer ng lalawigan ng Isabela.