--Ads--

CAUAYAN CITY –  Sinimulan nang ipatupad  ang “Balik-Siyudad Program” ng pamahalaang lunsod ng Ilagan na naglalayong matulungang makauwi ang mga Ilaguenio  na stranded  sa iba’t ibang lugar sa Luzon lalo na sa Kalakhang Maynila.

Mahigit 20 na ang naiuwi sa Balik-Siyudad Program at sumasailalim sa mandatory quarantine sa  San Antonio, City of Ilagan District Hospital at Ilagan Sanctuary na itinalahang quarantine facility.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay General Services Officer (GSO) Ricky Laggui, sinabi niya na alinsunod ito sa programa ng national government na naglalayong mabawasan ang mga  tao sa Kalakhang Maynila at  makontrol ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Dahil maraming Ilaguenio na nasa ibang lugar ay gusto nang makauwi sa Lunsod ng Ilagan ay gagamitin ang bus at van ng pamahalaang lunsod sa kanilang transporasyon pabalik sa Isabela.

--Ads--

Ayon kay GSO Laggui, maayos ang ginagawang koordinasyon ng Mayor’s Office sa mga residente na stranded gayundin sa mga barangay at pamahalaang lokal ng bayan o lunsod na kanilang kinaroroonan.

Kailangan umano ng mga uuwing Ilagueno ng certificate at travel pass mula sa kanilang kinaroroonang lugar upang makabiyahe at tuluyang makauwi sa Lunsod ng Ilagan.