CAUAYAN CITY- Nag-ambag ambag ang Indian Community sa Santiago City upang makapagbigay ng mga libreng inumin at pagkain sa mga nagtutungo sa mga sementeryo sa panahon ng undas.
Ginawa ng mga indian national ang nasabing hakbang bilang pasasalamat sa tulong ng pamahalaang lokal para sila ay makapag-negosyo sa Santiago City.
Ayon sa mga indian national na nakapanayam ng Bombo Radyo Cauayan na hindi na ibinigay ang mga pangalan , nagtulong tulong umano sila upang makabili ng mga pagkain at inumin na libreng ibinibigay sa mga mamamayang nagtutungo sa mga sementeryo.
Labing limang indian national ang nagtungo sa mga sementeryo upang ibigay ng mga nasabing pagkain at inumin sa mga mamamayan.
Anila pinag-iisipan din nilang magbigay ng mga inumin at pagkain sa darating na pasko at sa mahal na araw.




