--Ads--

Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga itatayong silid-aralan sa bansa ngayong taon

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, malaki ang backlog sa silid-aralan para sa mga estudyante dahil hindi nagawa ang target noong 2025 at mahigit 20 classrooms lamang ang natapos kaya sisiguruhin na may magagawa ngayong 2026.

Magkakaroon aniya ng memorandum of agreement ang national government sa mga local government units upang matapos ang pagpapatayo sa mga silid-aralan.

Ang LGUs aniya ang mag-aasikaso sa pagpapatayo ng classrooms subalit ito ay iinspeksyunin pa rin ng Department of Public Works and Highways at Department of Education.

--Ads--

Alam kasi umano ng mga LGUs ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan pagdating sa silid-aralan kaya ibinigay sa kanila ang responibilidad sa pagtatayo ng mga ito.

Matatandaang nadismaya si Pangulong Marcos Jr. matapos matuklasan na mahigit 20 lamang na silid-aralan ang natapos noong 2025, gayong mahigit isang libo ang nakaplanong dapat maitayo.