CAUAYAN CITY- Sinamantala ng mga job seekers mula sa ibat ibang bayan isinagawang job fair sa malaking Mall sa Lungsod ng Cauayan.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng Gawagaway-yan festival kung saan binibigyang pagkakataon ang mga job seeker na makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pag iipon sa mga employer sa iisang lugar
Aabot sa dalawamput siyam na private employer mula sa lungsod ng Cauayan ang nakiisa sa isinagawang aktibidad.
Bukod pa rito, naglagay din ng one stop shops ang mga ahensiya ng PAGIBIG, SSS, BIR at PSA para sa mga kababayan nating nangangailangan ng mga dokumento
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Reginald Estioco ng DOLE Isabela, sinabi niya na napakahalaga ang pagsasagawa ng job fair upang matulungan ang indibidwal na naghahanap ng trabaho.
Aniya, malaking bagay ito upang matugunan ang mataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa.
Samantala, sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Kristine Castro, Job Seeker mula lungsod ng Cauayan, sinabi niya na malaking tulong ang naturang job fair mga katulad niyang naghahanap ng trabaho.
Aniya, hindi na kasi nila kailangang pumunta pa sa mga tanggapan ng kumpanyang nais nilang aplayan at gumastos ng pamasahe para lang makahanap ng trabaho.





