Umaapela sa pamahalaan ang mga kaanak ng mga tinaguriang ‘missing sabungeros’ na simulan na ang pagsasagawa ng diving operations sa Taal Lake upang hanapin ang nawawala nilang mga kapamilya.
Ang panawagan ay kasunod ng ginawang pagbubunyag ng isang testigo na ang mga bangkay ng mga missing sabungeros ay inilibing sa naturang lawa.
Sinabi ng tiyuhin ng dalawa sa pinakabatang missing sabungero na kung talagang nasa Taal Lake ang mga bangkay ng mga biktima ay kailangan nang masimulan ng mga divers ang pagsisid sa lawa.
Nanawagan din siya sa Department of Justice (DOJ) na protektahan ang naturang lugar.
Nagpahayag siya ng pangamba na dahil malalaking tao ang sangkot sa krimen ay maaaring may ginagawa nang pamamaraan ang mga ito upang pagtakpan ang kanilang ginawa.
Nanawagan din siya sa mga testigo na ibunyag ang lahat ng kanilang mga nalalaman sa krimen.
Umapela rin siya sa female celebrity na isinasangkot sa insidente na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
Umaasa rin naman ang tiyuhin na si PGen. Nicolas Torre III na ang PNP chief na makareresolba sa krimen.
Nabatid na ang pinakabata sa mga sabungeros ay na nagkaka-edad lamang ng 14 at 17-anyos na unang iniulat na nawala sa isang sabungan sa Sta. Cruz, Laguna, noong December 2021.











