--Ads--

CAUAYAN CITY – Bahagi ng pinaigting na pagpapatupad ng AFP sa modernization program ang pagkakaroon ng mga bagong six by six truck, ambulansiya at rescue boat ng 5th infantry division philippine army.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan kay Capt. Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th ID, na binasbasan ang mga dumating na 10 six by six truck, 3 military ambulance at isang disaster rescue boat.

Ang mga ito ay para sa mga line units ng 5th ID at gagamitin din kung kailangan sa rescue operations bilang bahagi ng disaster response ng mga sundalo.

Ayon kay Capt. Somera, ito ay bahagi ng modernization program ng AFP para mapalitan na ang mga lumang truck na ang iba ay nasa tatlumpong taon na para makapantay ang militar ng pilipinas sa ibang bansa.

--Ads--

Malaking bagay din ito hindi lamang sa mga operasyon ng mga sundalo ng 5th ID kundi maging sa pagtugon kapag may kalamidad sa kanilang nasasakupang lugar.