CAUAYAN CITY – Naka-preposition na ang mga kagamitan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa inaasahang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility ng super typhoon Mawar ngayong araw.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gov. Rodito Albano ng Isabela na kinausap niya si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Atty. Constante Forronda at tiniyak nitong naka-prepositon na ang mga kailangang kagamitan bilang paghahanda sa Super Typhoon Mawar.
Inihayag pa ni Gov. Albano na ipinapaubaya niya sa mga Local Government Units ang pagpapasya kung suspendihin ang klase ngayong araw upang hindi masayang ang pag-aaral ng mga bata.
Pinapatutukan din nito sa PDRRMO ang mga lugar na binabaha sa Isabela.
Bago pa man dumating ang bagyo ay ipinapatupad na ang liquor ban upang maiwasan na magkaroon ng casualty.