
CAUAYAN CITY – Bumaba na ang mga kaso ng Coronavirus Disease (Covid-19) sa Hong Kong matapos ang outbreak sa mga nagdaang buwan.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent MJ Lopez na normal na ang sitwasyon dahil nakakalabas na ang mga tao tulad ng mga nais mag-ehersisyo sa mga parke.
Simula noong araw ng Linggo ay maraming mamamayan na ang nakakalabas sa kanilang mga bahay
Hindi pa naman ganap na mababa ang mga kaso dahil nasa 3,254 pa rin bawat araw ngunit malayong mas mababa ito kumpara sa mga nakalipas na buwan na halos isang milyon ang mga aktibong kaso ng Covid 19.
Mababa na rin ang mga pasyenteng naa-admit sa mga ospital at ang iba ay isinasailalim na lamang sa home quarantine
Matatandaan na unang binalak ng pamahalaan ng Hongkong na magpatupad ng lockdown dahil sa napakataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 ngunit bahagyang bumaba ang mga kaso kaya hindi na itinuloy.
Noong March 29, 2022 ay nagbigay ng mga libreng testing kit ang pamahalaan ng Hongkong sa mga mamamayan.
Bagamat bumababa ang kaso ay patuloy ang mga mga restrictions lalo na ang manggagaling sa ibang bansa.
Kailangan pa ring sumailalim sa quarantine at swab test ang mga nais pumasok sa Hongkong.
Ang Pilipinas ay kabilang sa mga naapektuhan ng ban noon ng Hongkong ngunit muling binuksan ang teritoryo para sa mga nagnanais na magtrabaho tulad ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).




