CAUAYAN CITY – Nagsuot ng itim na mga damit ang mga kawani ng National Food Authority (NFA) region 2 bilang pakikiisa sa pagtutol sa pagkakalagda na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rice tarrification law.
Nakiisa ang mga kawani ng NFA region 2 na nagsuot ng mga itim na damit at nagsagawa ng indignation rally bilang pagpapakita ng portesta sa nasabing batas.
Ito ay dahill hindi lamang ang kanilang hanay ang maapektuhan ng nasabing batas kundi pangunahing maapektuhan ang mga magsasaka at grain industry ng bansa
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Asst. Regional Director Leslie Martinez ng NFA region 2 na kasabay ng paglagda ng rice tarification law ay tuluyan nang tinanggalan ng trabaho ang pamunuan ng NFA na makapag-import ng bigas dahil ibibigay na ang tungkulin sa mga private sectors, walang karapatan na makapag-contract ng loans na pantustos sa importation at hindi na ring makapagbenta ng NFA rice.
Ang naiwan na lamang na trabaho ng NFA ay ang buffer stocking ng bigas para sa mga biktima ng kalamidad.