CAUAYAN CITY – Nagdeklara na ng bankruptcy ang karamihang kompanya sa Croatia dahil sa coronavirus pandemic.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Junacer Batang, OFW sa Velika Gorica Croatia na ang nakakalungkot sa ngayon ay maraming na-terminate na mga OFW at nakatakdang pauwiin sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Batang na nagdeklara na ang mga kompanya ng Termination due to totally bankruptcy shutdown sanhi para mawalan ng trabaho ang halos 700 na OFW sa Croatia.
Habang mayroon namang mangilan ilang Pilipino na tinutulungan ang kanilang mga kapwa OFW na makahanap ng panibagong trabaho sa Croatia.
Sa ngayon ay wala silang natatanggap na tulong ng pamahalaan ng Pilipinas dahil limitado lamang ang mga nakakakuha ng tulong.
Ang Croatia ay mayroong mahigit 2,000 na confimred COVID-19 case, 1,232 ang naka-recover at 63 ang namatay.











