CAUAYAN CITY– Anumang oras ay iuuwi na ang mga labi ng bumagsak na cessna 206 plane matapos ayusin sa isang punerarya sa Cauayan City.
Ang mga labi ng bumagsak na Cessna 206 plane na sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Seguerra ay hindi ipina-cremate, bagkus isisilid ito sa isang plastic bag at ilalagay sa isang metal casket bago iuuwi sa Silang, Cavite upang doon ay mapaglamayan ng ilang araw.
Si Ginang Josefa Perla Espania naman ay hindi na ipapacremate bagkos ay dadalhin ang kaniyang mga labi sa Claveria, Cagayan at doon paglalamayan ng pitong araw.
Habang ang labi ng Piloto na si Captain Eleazar Mark Joven ay ipina-cremate bago iuwi sa Munoz, Nueva Ecija.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Atty. Constante Foronda na dinala na ang mga bangkay ng sa isang punerarya na mag-aayos sa mga labi bago iuwi ng kanilang mga pamilya.
Posibleng ngayong gabi ay iuuwi ng mga pamilya nila sa kanilang mga lugar.
Nauna rito ay nagsagawa ng pagsisiyasat ang Scenes of Crime Officer at binuksan ang cadaver bags na kinalagyan ng mga bangkay saka pinasuri sa pamilya ng mga biktima ang mga labi at dito nakilala nila ang kani-kanilang mga kaanak batay sa kanilang mga suot na damit at iba pang pagkakilanlan.