--Ads--

CAUAYAN CITY – Naiuwi na ang mga labi ni Corporal Jeffrey Ayson ng 45th Infantry Battalion, Philippine Army na isa sa mga namatay sa naganap na sagupaan sa pagitan ng militar at Abu Sayaff Group (ASG) noong April 22 sa Patikul Sulu.

Si Corporal Ayson ay kasama sa mga sundalo ng 45th IB, 5th Infantry Division na nakipaglaban sa mga ASG at sampong miyembro ng ASG ang napatay at pagkarekober ng iba’t ibang mga gamit panggiyera mula sa mga terorista.

Isa siya sa sampong sundalong nasugatan ngunit binawian ng buhay sa hospital noong April 25 sa Sulu.

Agad na nagbigay ang 5th ID ng P50,000 at agad din nilang ipoproseso ang mga administrative requirements upang maibigay ang mga karapat-dapat na mga benepisyo mula sa AFP tulad ng Death Benefit Claims.

--Ads--

Ang mga labi ni Ayson ay dumating noong April 25 at nabigyan ng Military Honors bago inihatid sa kanilang bahay sa San Jose, San Mariano, Isabela.