--Ads--

CAUAYAN CITY– Narecover ng mga sundalo ang mga  itinatanim ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na landmines sa Aguid, Sagada, Mountain Province na nauwi sa bakbakan na ikinamatay ng isang sundalo at ikinasugat ng isa pa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th Infantry Divsion Phil. Army na bago ang naganap na engkuwentro ay isinumbong ng mga mamamayan ang pagtatanim ng mga NPA ng mga landmines sa mga  dinadaanan  ng mga sibilyan.

Dahil dito tumugon ang mga kasapi ng 50th IB  ng 5th ID  sa nasabing sumbong at habang nagsasagawa ng clearing operation  ay pinaputukan ng  halos apatnapong NPA  na kasapi ng Kilusang Larangang Guerilya Marco na kumikilos sa mga lalawigan ng Kalinga at Mt. Province ang tropa ng pamahalaan.

Nagresulta ang labanan sa pagkasawi ni  Corporal Jordan Malnawa at pagkasugat ni   Private Melvin  Modes.

--Ads--
Tinig ni Major Noriel Tayaban, spokesman ng 5th Infantry Division Phil. Army

Sinabi ni Major Tayaban na narecover sa pinangyarihan ng labanan  ang maraming  landmines na itinatanim ng mga NPA  sa nasabing lugar na patunay sa paglabag sa international humanitarian law dahil daanan ng mga sibilyan ang pinagtamnan.