--Ads--

Marami nang mga nagpapareserve ng mga lechon baboy sa mga lechonan sa Lungsod ng Cauayan ilang araw bago ang pagdiriwang ng Pasko.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Rannylo Ramos, may-ari ng isang lechonan sa Cauayan City sinabi niya na ngayon pa lamang ay may mga nagpapareserve na ng lechon sa kanila.

Sa ngayon aniya ay nasa isandaan na ang nagpareserve sa kanila kaya patuloy ang kanilang paghahanda lalo na at iniisip din nila kung sasapat ang suplay ng baboy hanggang kapaskuhan.

Tuwing Christmas Season ay umaabot sa 300-400 heads ng baboy ang kanilang nale-lechon.

--Ads--

Aniya galing sa San Mariano, Santiago, Jones, Tumauini, Cabagan at Nueva Vizcaya ang kanilang mga suplay.

Wala naman silang problema sa mga kumakalat na sakit ng baboy dahil mga native naman ang kanilang nile-lechon.

Ang small sized nilang lechon ay P8,500, ang medium ay P9,500, ang Free Sized ay P10,500, ang large ay P11,500, ang XL ay P12,500, ang 2XL ay P14,000, ang 3XL ay P15,000 at ang Jumbo ay P16,000.

Kapag regular na araw lamang ay nasa apat hanggang anim na lechon ang kanilang naibebenta.