--Ads--

CAUAYAN CITY – Mag-aabot ng tulong ang Department of Trade and Industry o DTI sa mga stall owners na naapektuhan sa malawakang sunog malapit sa pribadong pamilihan ng Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jillean Flores, Trade Industry Development Specialist, sinabi niya na sa ilalim ng Livelihood Seeding Program Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa  ng DTI ay mabibigyan ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng libreng Livelihood Kits.

Ang mga nasabing kits ay nagkakahalaga ng limang libo hanggang labing limang libong piso depende sa pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Aniya, ang mga benepisyaryo sa naturang programa ay ang mga nasalanta ng kalamidad, economic downturns at mga former rebels.

--Ads--

Maaari din umanong mag-avail ang mga nasunugan ng Loan Program sa DTI kung saan aabot sa 300,000 pesos ang pinakamalaking halaga ang pwedeng hiramin ng mga negosyate basta’t nasa isang taon nang nag-ooperate ang kanilang negosyo.

Sa ngayon ay isasailalim muna nila ang mga nasunugan sa Profiling at titignan pa umano nila ang kung ano ang pwede nilang itulong maliban sa Livelihood Seeding Program habang inaantay pa nila ang budget para rito.

Tiniyak naman niya na ilalapit nila sa pamahalaang panlungsod ng Cauayan ang mga Stall Owners na apektado ng sunog para mahatiran ng tulong.